ENVIRONMENTAL CRISIS | DENR Sec. Roy Cimatu, nagsagawa ng inspeksyon sa Boracay

Boracay – Nag-inspeksyon si Department of Interior and Local Government Sec. Roy Cimatu sa isla ng Boracay.

Ayon kay Cimatu, hindi lang pala problema sa tubig ang kailangan nilang ayusin.

Aniya, maraming istraktura ang itinayo sa timberland area kaya ipapagiba nila ang mga ito.


Maliban pa aniya rito ang higit 300 establisyimentong itinayo na 30 meters easement mula sa dagat.

Tiniyak naman ng Boracay Chamber of Commerce na susunod sila sa utos ng Department of Environment and Natural Resources tungkol sa mga istraktura na nasa loob ng 30 meter mula sa dagat.

Facebook Comments