Manila, Philippines – Nasa 82% ng mga establishimento sa Isla ng Boracay ang walang maayos na Waste Water Treatment Facility, ito ang lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Tourism, kasunod na rin ng mandato rito na linisin ang Boracay.
Dahil dito ayon kay Tourism Secretary Frederick Alegre, magiging malaking tulong ang ipatutupad na 6 Months Moratorium sa pagbibigay ng accreditation sa mga establishimento sa Boracay.
Epektibo ito, dahil bago bigyan ng Accreditation ang mga establishimento, kailangan muna ng mga ito na makapagprovide ng maayos na Waste Water Treatment Facility.
Kaugnay nito, iminumungkahi rin ng DOT na umabot sa Hunyo hanggang Agosto sakaling ipasara ang Boracay, dahil ito aniya ang peak season kung kailan pinaka marami ang mga turistang dumadayo dito.