ENVIRONMENTAL CRISIS | LGU Malay, nakatakdang mag-inspeksyon ng mga drainage sa Boracay sa susunod na linggo

Kalibo, Aklan – Ginagawan na ngayon ng paraan ng LGU-Malay para na maayos ang mga problema sa isla ng Boracay.

Ayon kay Rowen Aguirre, Executive Assistant to the Mayor, na noong nakaraang taon pa inumpisahan na ayusin ang problema sa may Sitio Bulabog kung saan doon nakita ang mga illegal na koneksyon ng mga establisyimento sa drainage system na ito ang inirereklamo ng mga tao na mabaho at marumi ang tubig.

Samantala, nakatakda namang magbukas at mag-inspeksyon ng mga drainage ang taga-LGU Malay sa susunod na linggo para malaman kung anong mga establisyemento ang may illegal na koneksyon at mabigyan ng kaukulang aksyon.


Umapela naman si Aguirre na magtulungan para madaling malutas ang problema kaysa naman nagturuan.

Facebook Comments