Manila, Philippines – Kakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng administratibo at kriminal ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Aklan na mapapatunayang nagpabaya sa tungkulin.
Kaugnay ito sa krisis sa Boracay.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año – tungkulin ng mga opisyal na ipatupad ang mga umiiral na environmental laws kabilang ang kanilang ordinansa.
Layon ng isinagawang imbestigasyon ng ahenya na alamin ang mga posibleng pananagutan ng mga opisyal na posibleng nag-iisyu ng mga permit sa mga hindi sumusunod sa batas
Hinimok ni Año ang mga lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na makipagtulungan sa imbestigasyon.
Facebook Comments