ENVIRONMENTAL CRISIS | Mala paraisong anyo ng Boracay Island, pag-aaralang ibalik ng binuong mission team ng DENR

Boracay – Nagpadala na ng mission team sa Boracay Island si Environment Secretary Roy Cimatu para tugunan ang suliraning pangkalikasan doon.

Layunin ng mission team na i-rehabilitate at ibalik ang mala-paraisong anyo ng itinuturing na top tourist destination ng bansa.

Hahatin sa anim na rehiyon ang Boracay island at bawat area ay tututukan ng may limampung personnel ng ahensya.


Binigyan ni President Rodrigo ng anim na buwan na palugit ang DENR para hanapan ng solusyon ang tumitinding problema sa polusyon sa isla.

Nauna nang nag-isyu ang DENR ng notice of violation sa may 300 na business establishments na kinakitaan ng paglabag sa kanilang environmental compliance certificates (ECC), kabilang na ang hindi maayos na koneksyon sa sewage treatment plant at ang hindi paglalagay ng wastewater treatment facilities.

Facebook Comments