ENVIRONMENTAL CRISIS | Mga beach sa Mimaropa, target na ring silipin ng DENR

Manila, Philippines – Matapos ang ikinasang crackdown sa Boracay, sisilipin na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga sikat na tourist spot sa Mimaropa.

Kaugnay nito, bumuo na ng Special Task Force ang ahensya para alamin kung may mga paglabag sa Environmental Law ang Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Sa mga susunod na linggo, iinspeksyunin nila El Nido at Coron sa Palawan.


Habang sa Marso naman ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Samantala, aminado naman si DENR Mimaropa Director Natividad Bernardino na 80 Percent ng mga establisyimento sa El Nido ang walang Wastewater Discharge Permits mula sa ahensya.

Nakakabahala na rin aniya ang problema sa sewage at mababang kalidad ng tubig sa sabang bay at white beach sa Puerto Galera.

Facebook Comments