ENVIRONMENTAL CRISIS | Planong deklarasyon ng State of Calamity sa Boracay, suportado nina Senators Binay at Villar

Manila, Philippines – Suportado nina Environment Committee Chairpeson Senator Cynthia Villar at Tourism Committee Chairperson Senator Nancy Binay ang posibilidad na ideklara ang State of Calamity sa Boracay.

Sabi ni Senator Villar, makakatulong ito para mas mapadali ang pagpapatupad ng rehabilitasyon sa Boracay dahil mas magiging mabilis ang paglalabas ng pondo.

Mas mabibigyan din aniya ng kapangyarihan at pagkakataon ang National government na pangunahan ang anumang proyekto na magpapabuti sa kondisyon ng Boracay.


Giit pa ni Senator Villar, walang ding dapat ikatakot sa pagdedeklara ng state of calamity dahil walang malalabag na anumang probisyon sa Procurement Law.

Ikinatwiran din ni Senator Binay, na ito ay daan para mapabilis ang mga proyekto na dapat gawin, mapapaikli din ang proseso para sa procurement kaya mapapabilis ang pagsasaayos sa Boracay.

Facebook Comments