ENVIRONMENTAL CRISIS | Problema sa Boracay, muling tinalakay sa cabinet meeting; Kapalaran ng isla, hindi pa napagdedesisyunan ng Pangulo

Boracay – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi pa nakapagdedesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging kapalaran ng Boracay.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patuloy ngayon ang legal process at fact finding activities ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Paliwanag ni Roque, iniimbestigahan ngayon ang mga local government officials na naging dahilan kung bakit madaming establisyimento sa Boracay ang lumalabag sa mga panuntunan at sa mga umiiral na batas.


Pero hindi pa naman aniya nakapag-dedesisyon ang Pangulo sa issue habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon at nailalatag ang mga rekomendasyon ng DILG at ng DENR.

Facebook Comments