Manila, Philippines – Maghahain ang iba’t-ibang Labor Groups sa Western Visayas ng resolusyon na kumokontra sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang isla ng Boracay sa publiko.
Paliwanag ni Wennie Sancho ng General Alliance of Workers Association o GAWA, aabot sa 19,000 na residente ng Boracay ang mawawalan ng kabuhayan kapag natuloy ang banta ng Pangulo.
Matatandaang nagbabala si President Duterte na ipapasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan kapag hindi naresolba ang mga problema nito sa kalikasan.
Nauna nang ipinahinto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbibigay ng permit sa mga resort sa isla dahil na rin sa paglabag sa environmental laws.
Facebook Comments