ENVIRONMENTAL CRISIS | Total disclosure ng isla ng Boracay, tinutulan ng ilang senador

Boracay – Tinutulan ng ilang senador ang panukalang pansamantalang isara ang Boracay para sa rehabilitasyon ng isla.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, tanging ang mga establisimyento na lumabag lang dapat ang ipasara.

Nabatid na higit 300 establisimyento sa Boracay ang lumabag sa patakarang huwag ilapit ang kanilang mga istraktura sa dagat.


Maliban pa rito ang 842 establisimyentong walang maayos na drainage system.

Pinuna naman ni Senator Loren Legarda ang mga bahay sa lima sa siyam na wetlands ng Boracay na magsisilbi sanang proteksyon ng isla sa kalamidad.

Hindi rin nakaligtas ang isang west cove na nakatayo sa isang forested area at nabistong walang mga kaukulang papeles.

Nangako naman si DILG OIC Secretary Eduaro Año na pananagutin ang mga lokal na opisyal na mapatutunayang nagpabaya at nagdulot ng pagkasira ng Boracay.

<#m_-3926491724018473732_m_-8848433446390937498_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments