Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay ang pagpapairal “Zero-Waste” Tourism Policy sa Boracay sa pamamagitan ng mahigpit na implementasyon ng waste management.
Ito ng layunin ni Senator Binay sa paghahain ng Senate Resolution No. 313 na basehan ng gagawing imbestigasyon sa March 2 ng Senate Committee on Environment at Committee on Tourism.
Patungkol ito sa pinangangambahang pagkasira o pagsasara ng Boracay island dahil sa pagiging madumi, matindi ang polusyon, over-crowded at over-commercialization.
Pangunahing sisilipin ni Senator Binay sa pagdinig kung napapatupad ba ng mahigpit ang Environmental Laws sa Boracay.
Tinukoy din ni Binay ang pag aaral na magkatuwang na isinagawa ng Filipino at Japanese Scientists na nagpapakitang unti unti ng nasisira ang Coral Reef Ecosystem sa Boracay dahil sa labis na aktibidad ng mga bumibisita dito.