Manila, Philippines – Positibo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makatutulong ang inilunsad na Ecotourism Tracking Tool (ETT) sa monitoring at evaluation ng mga aktibidad sa mga ecotourism sites.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, sa pamamagitan nito, maiiwasang maulit ang krisis katulad ng nasa Boracay.
Ani Cimatu, ang Boracay ay dumanas ng environmental degradation dahil sa kawalan ng panuntunan, standards o certification mechanisms tungo sa epektibong pamamahala bilang ecotourism area.
Ang ecotourism tracking tool ay binuo ng ecosystems research and development bureau ng DENR na layuning masistematiko ang pangangalaga at proteksyon ng mga ecotourism destination.
Facebook Comments