ENVIRONMENTAL EMERGENCY SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PLANONG IDEKLARA NG LGU

Planong ideklara ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang environmental emergency dahil sa napakaraming mga nag-ooperate na mga illegal fishpen sa lungsod na nagdudulot ng masamang epekto sa mga kailugan.
Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Belen Fernandez na kailangan umanong linisan ang ilog ngunit aniya hindi ito basta bastang gagawin dahil maapektuhan ang mga may-ari ng fishpens kung saan ay patuloy umano nilang kinakausap ang mga ito.
Sa monitoring ng City Agriculture Office at ng task force bantay ilog ay mayroong kabuuang 1460 na mga nakatayong fish pens kung saan 257 lamang dito ang accredited at lehitimong fish pens Ang mayroong permit mula sa LGU.

Ayon sa LGU, ang dahilan umano ng kanilang planong pagdideklara ng environmental emergency ay upang maiwasan ang maaaring banta ng Fishkill na lubhang makakaapekto sa kailugan kung saan sa dami ng mga nakatayong fish pens structures ay tone-tonelada umano ang nagagamit na commercial fish feeds na napupunta sa kailaliman ng ilog.
Isa pang layunin ng LGU ay upang linisan ang ilog dahil masyado na umano itong polluted.
Samantala, magpapatuloy umano ang pagtulong ng LGU sa mga fish growers sa lungsod upang mapataas pa ang kanilang pamumuhay at upang mapataas din Ang produksyon ng bangus sa lungsod. | ifmnews
Facebook Comments