Manila, Philippines – Habang nalalapit ang Pista ng Itim na Nazareno nakiisa na ang EcoWaste Coalition sa panawagan ng iba’t ibang sektor na gawing waste-free ang Traslacion ngayong taon.
Ayon kay Noli Abinales, Founder ng Buklod Tao at Board of Director ng EcoWaste Coalition, ang pagkakalat na naging kaugalian na sa selebrasyon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno na isang masamang ugali ay dapat nang iwasan.
Hinikayat ng grupo ang mga deboto na tapat na isabuhay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapanatili na walang kalat na basura sa paligid.
Ito naman ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa iba pang mananampalataya para sumunod.
Facebook Comments