Environmental group na Ban Toxic, pinag-iingat ang publiko sa mga binebentang toxic firecrackers

Pinayuhan ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang publiko na iwasan ang pagbili ng toxic firecrackers ngayong nalalapit na ang holiday season.

Batay sa kanilang monitoring, talamak na ang bentahan ng firecrackers na nagtataglay ng chemicals na panganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Sinabi ni Thony Dizon, toxics campaigner, ilan lang sa mga makikitang ibenebenta sa Divisoria, Maynila ang crackling balls, crackers, pop-pop, happy ball, dynamite, five-star, whistle bomb at piccolo.


Ayon sa Department of Health (DOH), taglay ng mga toxic firecracker ang mga mapanganib na chemical at sangkap tulad ng cadmium, lead, magnesium, nitrates, carbon monoxide, copper, manganese dioxide, potasium, sodium, zinc oxide nitrogen at sulfur oxide.

Sa mga darating na araw ay pasisiglahin na ng Ban Toxic ang kanilang “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon” campaign para sa kapakanan ng publiko.

Facebook Comments