Dismayado ang Waste and Pollution Watch Group na EcoWaste Coalition sa hindi natuloy na pag-alis ng 69 na container ng nabubulok na basura na nakaimbak sa Manila at Subic ports .
Gayunman, bagamat natapos na ang deadline kahapon para ibalik sa Canada ang mga angkat na basura, umaasa pa rin ang EcoWaste Coalition na maresolba ito.
May ipinadala nang sulat sa pamamagitan ng email ang EcoWaste Coalition noong Mayo 7 sa Canadian government na humihiling na pabilisin ang pag-alis ng kanilang basura sa bansa.
Tinugon naman ito ng Prime Minister’s Office noong Mayo 10 at tiniyak na maaaksyunan ang kanilang kahilingan.
Una na ring nagbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa Canadian government na pabilisin ang pag-alis ng kanilang basura na ilegal na ipinasok sa bansa.