Nagkilos-protesta ang mga grupong maka-kalikasan sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) central office sa Quezon City.
Ayon sa Samahan ng mga Mamamayan para sa Kalikasan at Bayan o SAMAKA, ipinapanawagan nila sa DAR na aksyunan na ang kanilang hirit na cease and desist order.
Ito ay para pahintuin ang Carmona LGU sa kasalukuyang illegal conversion sa may 200 hectares ng communal agricultural lands.
Kabilang sa nagkilos-protesta ay mga taong simbahan, mga guro at estudyante at health groups bilang suporta sa mga nagrereklamong mga magsasaka.
Ayon sa grupo, plano umanong magtayo ng residential at commercial areas ng Carmona LGU sa may 200 hectares ng lupa roon.
Nauna nang sinabi ng Carmona LGU na hindi na akma para mapatubigan ang naturang lupa kaya saklaw na ito ng reclassification at conversion.