Pagpapaliwanagin ng Department of Tourism (DOT) ang lokal na pamahalaan ng El Nido sa Palawan kaugnay sa naging paglabag nito sa environmental law.
Ito ay makaraang mabisto ni Tourism Secretary Berna Romulo – Puyat ang ginawang pagpapabaya ng lokal na pamahalaan at mga turista sa naturang bayan.
Ayon kay Puyat, dalawang beses na siyang sumulat sa mga lokal na opisyal ng El Nido pero tila hindi siya pinapansin ng mga ito.
Aniya, walang silbi ang mga ipinapasang ordinansa ng isang bayan kung hindi naman ito ganap na naipatutupad.
Kasabay nito, nagbabala si Puyat na posibleng matulad sa Boracay ang El Nido na ipinasara ng anim na buwan dahil sa kapabayaang ginawa dito na siyang naging sanhi ng pagdumi ng isla.
Facebook Comments