ENVIRONMENTAL PROJECTS SA POZORRUBIO, TINIYAK NA MAAYOS ANG IMPLEMENTASYON

Muling nagsagawa ng “Kalinisan validation” ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Pozorrubio sa mga barangay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalinisan.

Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2024-059, layunin nitong palakasin ang green governance at bayanihan sa antas ng barangay.

Kaugnay nito, sinuri ang pagpapatupad ng Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), BarKaDa o Barangay at Kalinisan Day, at HAPAG o Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, maging ang aktibong pagkilos ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Isinagawa ang aktibidad sa mga barangay ng Malasin, Tulnac, Don Benito at Manaol, gayundin sa Malokiat, Balacag, Casanfernandoan at Palguyod.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang tanggapan sa iba pang sangay ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan mula sa civil society organizations upang maging mas komprehensibo ang isinagawang pagsusuri. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments