ENVIRONMENTAL VIOLATIONS | DENR, tiniyak na ilang mining companies ang mapapasara at masususpinde

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ilang mining companies ang mapapasara at masususpinde.

Ito ay kapag nailabas na ng DENR ang kanilang desisyon ngayong buwan ukol sa apela ng 23 mining firms na pinasasara at pinasususpinde ni dating Environment Secretary Gina Lopez dahil sa environmental violations.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang kanilang partial results ay itutugma sa report naman ng Mining Industry Coordinating Council (MICC).


Karamihan sa mga kumpanya ay nakakuha ng major violation na ‘illegal cutting’.

Nanindigan si Cimatu na kung ano ang magiging kautusan ng ahensya ay magiging final and executory.

Facebook Comments