EO 39 NI PBBM KAUGNAY SA RICE PRICE CEILING, ISANG GAWAING TAMAD AYON SA BANTAY BIGAS

Hindi solusyon sa problema ng bansa sa usapin ng bigas at isang gawaing tamad ang kamakailan lang ay inimplementa na EO 39 o paglalagay ng price cap sa presyo ng bigas.
Ito mismo ang naging pahayag ng grupong Bantay Bigas sa naging panayam sa kanilang tagapagsalita na si Ma’am Cathy Estavillo.
Aniya, napansin na din umano nila na magkakaroon talaga ng mga pwesto na magsasara muna dahil sa nasabing kautusan dahil sa luging lugi ang mga maliliit na mga negosyante.

Sa halip aniya na magpalabas ng EO sana ay pinag aralang mabuti muna ang pwedeng maging solusyon sa problema gaya ng pagtulong sa mga magsasaka na labis na apektado nito.
Sa ngayon kasi ay hindi sasapat ayon sa grupo ang labing limang libong piso na ayuda mula sa DSWD na ibibigay sa mga apektadong negosyante. |ifmnews
Facebook Comments