EO 62, isang paurong na hakbang sa local agriculture —SINAG

FILE PHOTO

Tinawag na paurong ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pagkukumpleto ng administasyong Marcos sa tariff cut sa rice importation sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 62.

Uploaded na sa Official Gazette ang EO na may layong ibaba ang rice tariff mula 35 percent patungong 15 percent.

Sa isang pahayag, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na ang EO ay isang kumpletong pagbaliktad sa adhikain para sa food self-sufficiency.


Giit ni Cainglet, isa itong sakuna na may direktang epekto sa mga magsasaka ng palay at mais at sa mag-aalaga ng hayop at manok.

Sa halip aniya na makatulong, ito umano ang magpapabagal sa paglago ng local agriculture production.

Hindi rin aniya ito magreresulta sa signipikanteng pagbaba sa rice prices.

Sa katunayan, sinabi ni Cainglet na ang tunay na magbebenepisyo sa EO ay ang ilang napapaborang rice importers.

Facebook Comments