EO na magpapadali ng proseso sa pagnenegosyo sa Pilipinas, nakatakdang lagdaan ni PBBM

Pipirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang Executive Order (EO) na magpapadali ng proseso para makapagnegosyo sa Pilipinas o ang tinatawag na green lane.

Ayon sa pangulo, layunin nitong makahikayat nang mas maraming Foreign Directs Investments o FDIs.

Ang EO ay magtatakda sa mga concerned office na maglagay ng green lane para mas mapadali ang proseso at requirements sa pagkuha ng permits and licenses, kabilang ang mga resolution sa mga isyung may kinalaman sa strategic investments.


Sakop ng pipirmahang EO ang lahat ng national government agencies at kanilang mga regional and provincial offices, Local Government Units (LGUs) at quasi-judicial bodies na involve o direktang namamahala sa pagi-isyu ng permits at licenses na mahalaga para makabuo ng strategic investments sa bansa.

Ilan sa mga strategic investment na tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) ay ang mga proyektong may national significance, highly desirable projects na inendorso ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at FDIs na inindorso naman ng Inter-Agency Investments Promotion Coordination Committee.

Samantala, ang sinumang government official o employee na hindi magko-comply sa provisions ng pipirmahang EO ay papatawan ng administrative and disciplinary sanctions.

Facebook Comments