Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong executive order na nagpapalawak sa serbisyo ng internet sa bansa sa pamamagitan ng access a satellite services.
Sa ilalim ng Executive Order No. 127, pinapayagan na ang mga Internet Service Providers (ISPs) na magkaroon ng access sa satellite systems para matiyak na magiging mabilis ang internet connectivity sa bansa.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na kabilang na sa basic needs ng mga Pilipino ang internet access.
Inaamiyendahan nito ang EO No. 467 na inisyu noong 1998 para sa pagkakaroon ng polisiya sa operasyon at paggamit ng international satellite telecommunications facilities at services sa bansa.
Kinikilala ng pamahalaan na ang universal access sa mabilis at maaasahang internet services ay mahalaga sa paghahatid ng basic services at paglaban sa red tape, pagsusulong ng freedom of information, disaster preparedness, public safety, climate change at education at inclusive growth.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Information and Communications Technology na regular na i-review ang bagong polisiya at magpasa ng rekomendasyon sa kanyang opisina.