EO na magpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng land amortization at interes payments, ilalabas ni PBBM

Nakatakdang magpalabas si Pangulong Bongbong Marcos ng Executive Order na magpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng land amortization at interes payments bilang ayuda sa mga land reform beneficiaries.

Ayon kay Pangulong Marcos, layon ng moratorium na bawasan ang pasanin ang mga magsasaka sa kanilang mga bayarin sa lupa nang sa gayon ay matutukan nila ang pagpapalakas ng produksyon ng kanilang mga sakahan na kalaunan ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.

“Ang agrarian reform program ay dapat magpatuloy. Agrarian reform is not only about acquisition, but also support services and distribution. To assist this, I intend to issue an executive order to impose a one-year moratorium on the payment of land amortization and interest payments,” ani Marcos.


“This is included in the Republic Act No. 11469 commonly known as the Bayanihan to Heal as One Act.

“A moratorium will give the farmers the ability to channel their resources in developing their farms, maximizing their capacity to produce, and propel the growth of our economy,” dagdag niya.

Kasabay nito, hinimok din ng pangulo ang Kongreso na magpasa ng batas na mag-aamyenda sa Section 26 ng Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1998.

Layunin aniya ng batas na ito na burahin ang hindi mabayarang utang ng mga magsasaka na benepisyaryo ng agrarian reform.

Bukod dito, makukuha na rin ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga lupang una nang iginawad sa kanila nang hindi kinakailangang magbayad ng anumang amortisasyon.

Facebook Comments