Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Finance (DOF) ang Executive Order (EO) na layong taasan ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC).
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, kapag pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan ay magpapataw ng mataas na registration fees sa mga may-ari ng sasakyan.
Sakop nito ang mga private at government vehicles, maging ang mga Public Utility Vehicles (PUV).
Nakasaad aniya sa Republic Act 8794 of 2000 o MVUC law, maaring i-adjust ng Pangulo ang rates hindi hihigit sa isang beses kada limang taon.
Ani Chua, hindi tinaasan ng mga nagdaang administrasyon ang MVUC rates mula pa noong 2004.
Isusumite ng DOF ang E.O. draft sa lalong madaling panahon at kapag naaprubahan ng punong ehekutibo ay magiging epektibo ito sa susunod na taon.