Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 155 na magre-regulate sa presyo ng mga gamot at medisina sa bansa.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ang nasabing EO ay hangad na tugunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa dulot ng mga sakit.
Sinabi pa ni Nograles na bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan sa mabilis na pag-access ng mura, dekalidad at maaasahang gamot sa merkado.
Kabilang sa mga gamot na mapapasama sa price regulation ang 34 na drug molecules at 71 drug formulas na siyang ginagamit o panlunas sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma & chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics gayundin ang anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, drugs for overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, and psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines.
Ang mga hindi susunod dito ay maaaring patawan ng kaparusahan o multa na mula P50,000 hanggang P5-M at maaring maharap sa paglabag sa RA No. 9502––the Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008
Nilagdaan ng pangulo ang naturang EO kahapon, Dec. 7 2021.