EO na nagpapataw ng zero percent tariff rates sa loob ng 5 taon sa ilang EV parts at components nito, inaprubahan ni PBBM

Aprubado na sa unang National Economic and Development Authority o NEDA Board meeting ang executive order na nagpapatupad ng zero percent tariff rates sa loob ng limang taon para sa ilang electric vehicles (EV) parts at components nito.

Sa unang NEDA Board meeting kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ring NEDA Chairman, tinukoy ang mga particular na E-vehicles na mayroong zero percent tariff rates sa loob ng limang taon.

Ito ay ang pampasaherong sasakyan, mini buses, vans, motorsiklo, tricycles, scooters, at bisekleta.


Kabilang din sa aalisan muna ng zero tariff rates ay ang EV parts at components.

Hindi naman sakop sa may zero tariff rates sa loob ng limang taon ang hybrid type Electric vehicles.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na layunin ng pagbibigay ng zero tariff rates ay upang mahikayat ang publiko na gumamit ng electric vehicles, mai-angat ang energy security sa pamamagitan nang hindi pagdepende sa imported fuel at ma-promote ang domestic electric vehicle ecosystem.

Facebook Comments