EO na nagtataas ng volume ng pork imports at nagbabawas sa taripa, pinapabawi sa Pangulo

Sa nagpapatuloy ngayong pagdinig ng Senado ay nagpahayag ng pag-apela si Senator Panfilo “Ping” Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang inilabas nitong Executive Order (EO) Number 128.

Diin ni Lacson, papatayin nito ang kapalaran ng 80,000 local hog raisers dahil malinaw sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi naman kailangang itaas ang dami ng inaangkat na karne ng baboy.

Ipinaliwanag din ni Lacson, na base sa estimate ng Bureau of Customs (BOC) ay aabot sa ₱3.6 billion ang inaasahang mawawala sa kita ng gobyerno dahil sa ibabang taripa sa imported na baboy.


Tahasang sinabi ni Lacson na taging mga tiwali at corrupt ang makikinabang sa nabanggit na rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na napag-alaman nyang nagpapatong ng “tongpats” sa mga inaangkat na karne ng baboy.

Facebook Comments