EO na nagtatakda ng tapyas-presyo sa ilang piling gamot sa Pilipinas, epektibo na

Epektibo na ang Executive Order (EO) 104 na nagtatakda ng tapyas sa presyo ng ilang pangunahing gamot sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, saklaw ng kautusan ang 87 gamot para sa mga sakit na hypertension, diabetes, asthma, chronic kidney disease at breast, colorectal at lung cancers.

Sa ilalim din nito, nakasaad na ang maximum retail price at maximum wholesale price ng mga gamot ay mas mababa ng hanggang 50% sa dati nitong presyo.


At kahit ibinaba na ang presyo ng mga piling gamot, mananatili pa rin ang 20% discount para sa mga senior citizen at persons with disability.

Pebrero 17 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO.

Facebook Comments