Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 6th edition Water Philippines Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.
Mahigit 10,000 quality trade visitors kabilang ang top industry players at leaders ang nagsama-sama sa event.
Kung saan ilan sa 300 exhibiting companies at key players ng water industry ang nagpresenta kay Pangulong Marcos Jr., ng complete overview ng mga produkto, technologies at innovations patungkol sa tubig.
Samantala, sa talumpati naman ni Pangulong Marcos Jr., sa aktibidad na ito, sinabi nitong napapanahon ang aktibidad na ito sa harap ng water situation sa bansa.
Sa pamamagitan aniya ng aktibidad na ito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga nasa water industry na magkaroon ng diskusyon para mapag-usapan ang solusyon sa problema sa tubig.
Punto ng pangulo, kailangang magkaroon ng tamang water management at water treatment.
Ito ay upang magkaroon ng ligtas, sapat, mura at accessible na tubig para sa mga Pilipino.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na pinirmahan niya na ang executive order sa pagbuo ng water resource management office.
Ito ay binuo sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para matiyak ang sapat na supply ng tubig sa bansa.