Manila, Philippines – Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na hindi nila kayang kontrolin ang mga “Epalitiko”.
Ito ay kasunod ng nag-viral sa social media kung saan nagbigay ng award o certificate ang 2 pulitiko ng lungsod ng Malabon na mas malaki pa ang kanilang mga mukha kaysa sa pangalan ng mga estudyanteng binigyan ng parangal
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang tanging magagawa ng kagawaran ay manawagan sa mga pulitiko na huwag gamitin ang graduation ceremony sa kanilang pagpapapogi o pangangampanya.
Sinabi pa ni Briones na hindi naman kasi lahat ng pulitiko ay epal.
Giit ng opisyal ito ang dahilan kung kaya at hindi nila tuluyang maipagbawal ang pagsipot ng mga pulitiko sa graduation rites
Nabatid na matapos magviral ang mga epalitiko sa Malabon, sunud-sunod na na nagpaskil ang mga netizens ng larawan ng mga epalitiko na bumabati ng congratulations graduates sa pamamagitan ng mga tarpaulin na makikita ang kanilang naglalakihang mga mukha.