EPD, hawak na ang kopya ng CCTV bago ang pananambang sa magkapatid na Marasigan

Manila, Philippines – Hawak na ng Eastern Police District ang kuha ng CCTV footage bago ang nangyaring pananambang sa magkapatid na Christopher at Michael Marasigan sa San Juan City.

Pero ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, hindi malinaw ang kuha ng CCTV kung saan makikita ang gunmen na nakasuot ng jacket at helmet.

Bukod dito, sinisilip din ng binuong task group Marasigan ang isa pang video footage nang isang lalaki na umaaligid sa bahay ng pamilya Marasigan, dalawang araw bago ang pamamaril.


Facebook Comments