Pormal nang umupo sa kanyang pwesto bilang pinuno ng Eastern Police District (EPD) sa katauhan ni PBGen. Jerry Fornaleza Bearis kung saan pinalitan niya si PBGen. Orlando Yebra na nagretiro na nitong July 13.
Pamumunuan ni Bearis ang mahigit sa 2,600 pwersa ng EPD na sakop ang apat na lungsod ito ang “Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City”.
Ayon kay Gen. Bearis na ipagpagpatuloy at paiigtingin niya ang kampanya ng PNP laban sa kriminalidad, iligal na droga at terorismo sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Bearis ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” class of 1993.
Bago ang pagkakatalaga bilang EPD Director, siya ang Chief Regional Staff ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan niya nakuha ang rangong police brigadier general o one star general.
Si Bearis rin ay naging EPD-Deputy District Director for Administration, PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Deputy Director for Administration at Police Security and Protection Group (PSPG) Deputy Director.