EPD, nagkasa ng simulation exercise para sa unang SONA ni PBBM

Photo Courtesy: Eastern Police District- NCRPO Facebook Page

Nagsagawa ng simulation exercise ang Eastern Police District (EPD) bilang bahagi ng paghahanda sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunahan ng Mandaluyong City Police ang naturang exercise sa bahagi ng EDSA-Ortigas Avenue Flyover malapit sa Edsa Shrine, na itinuturing na “critical area” dahil madalas itong pagdausan ng mga kilos-protesta.

Bahagi ng SIMEX ang pagpapakita ng mga posibleng scenario sa araw ng SONA tulad ng civil disturbance management o kung paano tutugunan ng kapulisan ang mga nagkikilos protesta.


Nauna na ring sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa 22,000 personnel, na binubuo ng 19,000 tauhan ng pnp at 3,000 force multipliers ang ipapakalat, hindi lang sa Batasan Complex kundi maging sa buong Metro Manila.

Kasabay nito, tiniyak naman ng PNP na mahigpit nilang paiiralin ang maximum tolerance sa pagbabantay sa mga magki-kilos protesta.

Facebook Comments