EPD, naka-full alert na sa pagdiriwang ng ika-35 na anibersaryo ng EDSA People Power

Tiniyak ng Eastern Police District (EPD) na buo silang nakaalerto ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Police Brigadier General Matthew Baccay ng Task Group Commander na nagsagawa na sila kahapon ng ocular inspection sa bahagi ng EDSA Shrine.

Maliban dito, nagkaroon din ng simulation exercises para sa crowd control kung sakaling dumagsa ang tao at pagresponde kung sakaling magkaroon ng banta ng pambobomba.


Kabilang din aniya na kanilang ipatutupad ay ang mga health protocols laban sa COVID-19.

Nasa 600 EPD personnel ang kanilang ipapakalat ngayong araw sa bahagi ng EDSA Shrine upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Facebook Comments