EPD pinaghahandan ang pagbibigay seguridad para sa Anibersaryo ng EDSA bukas

26

Kasado na ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) sa pagbibigay ng seguridad sa mga dadalo sa pagdiriwang ng ika-34 na Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas.

Ayon kay EPD District Director Brig/Gen. Johnson Almazan, wala namang namomonitor ang EPD na banta  sa pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution kung saan magtatalaga sila ng mga pulis sa EDSA Shrine na posibleng pagdausan ng mga kilos protesta ng mga militanteng grupo.


Paliwanag ni Almazan, paiiralin pa rin ng EPD ang Maximum Tolerance sa mga grupong magsasagawa ng kilos protesta sa pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution.

Dagdag pa ng Heneral dapat maging vigilante ang publiko at agad makipag-ugnayan sa pulisya kung mayroon silang nalalaman na may kahina-hinalang kilos sa pagdarausan ng mga kilos protesta.

Facebook Comments