EPEKTIBO NA BUKAS | "Wellness leave" ni SC Chief Lourdes Sereno, magsisimula na bukas

Manila, Philippines – Epektibo na bukas ang “Wellness Leave” ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ilalim ng ‘Wellness Leave’ tatagal lamang ito ng dalawang linggo.

Ito’y kasunod ng mainit na deliberasyon sa sc en banc kung saan kinompronta ng mga kapwa niya mahistrado si Sereno.


Sa interview ng RMN kay Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno – gagamitin ng punong mahistrado ang pribilehiyong ito bilang paghahanda sa impeachment trial sa kanya sa senado na posibleng ganapin sa Hulyo.

Nais pa ng ibang mahistrado na magbitiw na si Sereno sa pwesto matapos lumitaw sa pagdinig ng kamara ang mga kakulangan niya sa documentary requirements nang siya ay mag-apply bilang punong mahistrado.

Kabilang na rito ang hindi pagdedeklara ng kanyang kita bilang abogado ng piatco, ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at ang umano’y illegal appointments ng hindi dumaan sa en banc.

Sa kabila nito, tiniyak ni Cruz na handang humarap si Sereno sa nakatakdang paglilitis sa kanya.

Facebook Comments