Epektibong estilo ng pamumuno ni dating DOTr Sec. Vince Dizon, kokopyahin ni acting Transportation Sec. Lopez sa ilalim ng kanyang pamumuno

Asahan na ng publiko maging ng media ang maagang paglabas sa kalsada ng ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez gaya ng ginagawa noon ni dating Secretary Vince Dizon.

Sinabi ni Lopez na kapag nais talaga ng pamahalaan na solusyunan at tugunan ang mga problema ng mga komyuter ay kailangan nilang lumabas dahil nasa kalsada ang trabaho.

Dito aniya nila nakikita ang hirap ng mga komyuter kaya dapat nilang unahin ang kanilang interes at kapakanan.

Mahalaga rin na ipagpatuloy ang accountability sa kalsada upang masigurong ligtas ang komyuter, pedestrian at mga motorista.

Kaya nagbabala na si Lopez sa mga barumbadong motorista na mananagot ang mga ito sa batas kapag may ginawang traffic violation na nadadamay na ang publiko.

Facebook Comments