Epektibong implementasyon ng CSE, iginiit ng isang senador sa gitna na rin ng pagtaas ng bilang ng mga maagang nagbubuntis

Hiniling ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang epektibong implementasyon ng Comprehensive Sexuality Education (CSE).

Sa gitna na rin ito ng pagtaas sa bilang ng mga kabataang maagang nagbubuntis.

Batay sa ulat kamakailan ng Commission on Population and Development (CPD) mula 2021 hanggang 2022, umakyat sa 3,135 o 35.13% mula 2,320 ang bilang ng mga 15-taong gulang na nanganak.


Tinukoy ni Gatchalian na bagama’t may polisiya ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng CSE, kinakailangan pa rin na masiguro ng ahensya ang epektibong implementasyon nito sa mga paaralan.

Nagbigay babala naman ang United Nations Population Fund (UNFPA) na ang mga batang nagbubuntis bago mag-18 taong gulang ay mas mababa ang tsansa na makapagtapos ng pag-aaral at mas malaki ang panganib sa kalusugan ng ina at magiging anak.

Facebook Comments