Naganap ngayong araw ang climate and ocean risk vulnerability index (corvi) 2023 na pinangunahan ng stimson center & ecosensya solutions na naglalayong talakayin ang mga problemang kinakaharap ng kailugan at kalikasan ng dagupan city at ang mga epektibong maaaring maging solusyon na makakatulong sa siyudad bunsod ng epekto ng nagbabagong klima.
Tinungo ng stimson center, isang u.s. based research institution mula sa washington dc, kasama ang the ocean policy research institute, the sasakawa peace foundation based in japan, ecosensya, at ilan pang mga kaugnay na ahensya ang lokal na pamahalaan ng dagupan upang makipagpulong ukol sa usapin ng pamamahala ng kapaligiran lalo na at higit na nakababahala ang epekto ng climate change.
Iprinesenta ng mga tagapagsalita ang kanilang pagsusuri ng comprehensive profile ng dagupan city sa pangkaragatan at klimang panganib na maaaring mangyari kung walang naimplementang solusyon para rito.
Layunin ng sinagawang aktibidad na makabuo at makapagbigay ng detalyadong rekomendasyon para sa dagupan city upang makapagtatag ng solusyon na magpapanatili sa kaligtasan ng dagupeno sa mga nagbabantang epekto ng climate change.
Dinaluhan naman ito ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng dagupan, iba pang guests at mga barangay councils upang maiparating ang kinakaharap na problema ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments