EPEKTIBONG PAGGAMIT NG CALAMITY FUNDS SA LA UNION, IGINIIT

Tinalakay ng isang mambabatas sa La Union ang epektibong paggamit ng calamity funds na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat.

Sa regular session, binigyang-diin ang maagap na pagtalima ng provincial government sa pangangailangan ng mga apektadong residente para sa paghahanda at recovery sa anumang sakuna.

Hinikayat din ang aktibong pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan upang maiparating ang sitwasyon at nararapat na solusyon sa kanilang nasasakupan.

Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan matapos ang malawakang pinsala na idinulot ng Bagyong Emong na nagpatumba sa ilang puno at poste ng kuryente maging sanhi ng pagkasira ng ilang pasilidad.

Puspusan ang isinasagawang relief operation sa bawat bayan mula sa calamity fund at ilang donation drives maging ang pagkukumpuni sa nasirang linya ng kuryente sa malaking bahagi ng La Union.

Sa kabila nito, isinusulong sa mga komunidad ang bayanihan para sa unti-unting pagbangon mula sa sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments