Epektibong paggastos sa pondo sa edukasyon, pinatitiyak ng isang senador

Pinatitiyak ni Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa pamahalaan ang epektibong paggastos ng pondo sa edukasyon.

Batay sa pinakahuling pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sinasabing nakaapekto sa mababang ranking ng bansa sa mga international large-scale assessment ang mababang pondong inilalaan ng bansa sa edukasyon.

Naikumpara ng senador ang Pilipinas at Vietnam na hindi halos nagkakalayo ang ginagastos sa mga mag-aaral pero kapansin-pansin na mas angat ang average na marka ng Vietnam sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na nasa 468 kumpara sa Pilipinas na ang average ay nasa 353 lamang.


Maging sa paggugol sa edukasyon ay hindi nagkakalayo ang Pilipinas na nasa 3.8 percent ng Gross Domestic Product (GDP) habang 4.06 percent naman ng kanilang GDP ang Vietnam o umaabot sa P55,000 kada taon ang average na nagagastos ng bansa sa bawat mag-aaral mula Kindergarten hanggang 15-anyos habang P69,000 naman ang average na gastos ng Vietnam sa bawat estudyante..

Naniniwala si Gatchalian na bukod sa mas mataas na pondo ay dapat ding masiguro na mabisa ang paggastos at paggamit ng ating mga resources para maging matagumpay ang sektor ng edukasyon.

Facebook Comments