EPEKTIBONG PAGLALAAN NG PONDO SA MGA SEKTOR SA SAN NICOLAS, MULING PINAG-USAPAN

Nagpulong muli ang Local Finance Committee ng San Nicolas upang repasuhin ang Nagsagawa muli ng pagpupulong ang Local Finance Committee ng San Nicolas, Pangasinan upang repasuhin ang panukalang pondo sa iba’t-ibang sektor ngayong taon.

Kabilang sa mga tinalakay ang Special Education Fund para sa pagsasaayos ng mga pasilidad, kagamitan at programa para sa mga mag-aaral, at ang Municipal Development Fund para sa unang kwarter ng taon na umiikot sa pagpapabuti pa ng mga pampublikong pasilidad at imprastraktura tulad ng plaza, gymnasium, playground at iba pang gusali.

Pagbibigay katiyakan ang pagpupulong para sa maayos at responsableng alokasyon ng pondo pagdating sa usaping edukasyon, imprastraktura, at mga serbisyong panlipunan.

Binigyang-diin ng komite ang kahalagahan ng transparency at mahusay na pamamahala ng pondo para sa patuloy na pag-unlad ng bayan dahil natutugunan ang pangangailangan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments