EPEKTIBONG PAGTATANIM NG HYBRID RICE SA LA UNION, ITINURO SA MGA MAGSASAKA

Itinuro sa 140 magsasaka sa Bauang, La Union ang wastong pamamahala sa pagtatanim ng hybrid rice upang mapataas ang produksyon ngayong tag-init.

 

Sa isang rice technology forum, tinalakay ang ibang hakbang sa pagtatanim ng bigas gamit ang iba’t-ibang uri ng punla, tamang paglalagay ng pataba at pagkontrol sa peste at sakit ng mga pananim.

 

Ibinahagi naman ng mga magsasaka na malaki ang potensyal na mapataas ang produksyon ng hybrid rice base na rin sa kanilang obserbasyon.

 

Inaasahan na magiging matatag ang produksyon ng bigas sa lalawigan sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments