Isinusulong ni Bohol Rep. Alexie Besas Tutor na palakasin ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mas maging epektibo sa pagtugon sa tuwing may bagyo o anumang sakuna sa karagatan.
Ayon kay Tutor, napapanahon na para i-modernisa at dagdagan ng mga makabagong kagamitan ang PCG.
Makakatulong aniya ito upang mapalawig at palalimin ang coverage o sakop sa mga strategic na lokasyon sa buong bansa.
Nakapaloob sa House Bill 7965 na i-equip ng microsatellites, drones at smart buoys ang mga barko at tanggapan ng PCG.
Aniya pa, ang pagpapalakas sa enforcement ng ating maritime laws ay mas magiging epektibo rin kung madadagdagan ang field offices, bases at facilities ng PCG.
Upang mas maging maagap ang PCG sa pagresponde sa kalamidad at iba pang sakuna ay nakasaad din sa panukala na bawat isla at island groups ay dapat mayroong hanggang dalawa na coast guard bases na may kumpletong resources tulad ng sapat na bilang ng personnel, vessel, equipment at support services.