Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Education (DepEd) at mga nakatuwang nito para gawing posible ang pagbubukas ng pasukan ngayong araw.
Sa kanyang mensahe, tinawag ng Pangulo na “momentus occasion” ang class opening para sa academic year 2020-2021 dahil sa pagpapatuloy nito sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Umaasa ang Pangulo na hindi mawawala ang pag-asang maisakatuparan ang epektibong pagpapatupad ng blended learning.
Aniya, kahit may pandemya, hindi dapat ipagkain sa mga estudyante ang karapatan nilang matuto.
“I commend the Department of Education and its partners for guiding all stakeholders to make this happen.May this school year be mark with strong hope and optimism that effective learning will take place even amidst the odds and challenges. Together let us work to achieve a more informed, enlightened, inspired citizenry starting with our children,” pahayag ni Pangulong Duterte.