Epektibong pandemic response ng gobyerno ng Pilipinas, pinuri ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh

Bumilib si Vietnamese Prime Minister sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa epektibong pagpapatupad ng COVID-19 response para makuha ang isa sa mataas na gross domestic product o GDP growth rate sa Asya.

Sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, binati ni Prime Minister Chinh si Marcos dahil sa epektibong pagpigil ng dami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at napanatili ang high growth rate ng GDP.

Sa pulong, nagpahayag ang lider ng Vietnam ng kagustuhang makatrabaho ang Pilipinas para maresolba ang maritime issues katulad ng iligal na pangingisda at balanseng kalakalan.


Binigyang diin rin ni Prime Minister Chinh ang pangangailangan na magkaroon ng mga bagong stratehiya para maresolba ang kasalukuyang problema sa tinatawag na declaration on the conduct of parties sa South China Sea.

Facebook Comments