Epektibong regulasyon sa pangangampanya para sa eleksiyon 2022, iniutos ni Pangulong Duterte sa Comelec

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng epektibong regulasyon para sa nalalapit na pangangampanya sa eleksiyon 2022.

Ayon sa pangulo, dapat magkaroon ng malaking espasyo ang mga kandidato na maipahayag ang mga plataporma nang walang anumang sagabal.

Habang pinayuhan din nito ang mga kandidato na mangampanya hindi lamang sa iisang lugar para makahanap ng mas maraming tagasuporta.


Batay sa panuntunang pinaplano ng Comelec, tatlong kandidato lamang kada event ang kailangan sa isang venue kung saan 10% ang magiging capacity.

Hindi rin maaaring magtungo sa venue ang mga menor de edad maging ang mga matatandaang 65 anyos pataas.

Facebook Comments