EPEKTO NG BAGYONG CARINA, PINAGHAHANDAAN NG BRGY. MABANTAD

Cauayan City – Pinaghahandaan ng pamunuan ng Brgy. Mabantad, Cauayan City, Isabela ang posibleng maging epekto ni Bagyong Carina sa kanilang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginoong Angel Agguid, Brgy. Kagawad sa nabanggit na barangay, kabilang ang kanilang lugar sa mga low lying areas sa lungsod ng Cauayan.

Dahil dito, bagama’t hindi direktang apektado sa banta ng bagyo ay kanila pa ring pinaghahandaan ang posibleng maging epekto nito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga residente, at pagsuri sa mga flood equipments na maaari nilang magamit.


Ayon kay Kagawad Agguid, anumang oras ay bukas ang kanilang Brgy. Hall at ang evacuation centers sa kanilang lugar kung sakali man na kailangang lumikas ng mga residente.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments